simula 2009 sumusulat sa pamilya ko ang BIR, ipinakita ng pamilya ko na isa lamang kming squatter sa QC, at sinabi ko sa tatay ko na baga itoy isa lamang scam. kada 3 months sumusulat ang BIR samin.
Hindi ko ito pinapansin at natatakot akong pumunta kasi baka i hold ako pabalik sa abroad.
Ngayon naka tanggap nanaman kmi ng sulat subalit hindi na sa pamilya ko kundi sa pamilya na ng misis ko.
nakasaad doon na kapag hindi ako pumunta sa BIR ay magsasampa na sila ng kaso laban sa akin.
Natatakot tuloy akong umuwi ng pilipas bka hindi na ako makabalik dito sa UAE.
Akoy sinisingil ng BIR sa halagang 5M pesos. Isa lamang akong hamak na OFW ano ang aking gagawin?
naway magabayan ninyo ako.