ang problema ko po ay,tungkol po sa ibininta kong pampasaherong sasakyan, with franchise, noong 2006 at yung franchise nag expire po last december 10,2011, ang problema po hindi po pina transfer nung nakabili sa pangalan nila, for 5 yrs po ginamit nila yung sasakyan na rehistro po ay sa akin pa po, ngayon pumunta siya sa amin at pilit niya po akong permahan yung application for renewal of franchise which is naka notaryo na po ng isang abagodo kahit wala pa po akong perma, ngayon po yung nakabili kinasuhan po ako ng estafa dahil po daw na niliko ko po daw sila, sabi nila na nag sabi po daw ako na pwede nila e transfer kapag nag expire na po, ang siste po ay noong 2006 pwede pa po mag renew at magtransfer ng name sa nakabili, pero nung 2010 may memorandum po yung LTFRB na di na makapag transfer ng name kapag 6 months before the expire date po nung franchise. tanong ko po pwede po ba ako makasuhan ng estafa sa pag refuse ko po na permahan yung application for renewal of franchise? pangalawa po nakatanggap po ako ng supoena galing po sa city prosecutor po na estafa yung kaso. at kailangan ko pong mag file ng counter affidavit po pwede po ba ako po yung gagawa ng counter affidavit kasi po wala po akong pero na pambayad sa isang abogado? 3) pumunta po ako sa PAO hihingi sana ako ng tulong sa PAO sabi po nung atty sa PAO maramin po silang kaso na hawak and then inerefer niya po ako sa kasamahan niya na Atty. din pero di ko po mahagilap kasi palaging wala nasa hearing palagi, meron nalang po akong 5 days to file the counter para di po ako ma isyuhan ng warrant. pwede po ba na ako nalang mismo ang mag file ng counter affidavit ko po, kasi po kunting araw nalang po ang nalalabi.
salamat po gumagalang
Allan of Cebu