Gusto ko po sanang magtanong ng mga dapat kong gawin tungkol sa estafa case na inihain sa akin ng dati kong kumpanya.
May pumasok po sa payroll account ko na pera. Wala po sa akin ang ATM nu'ng time na 'yon kaya hindi ko alam hanggang nu'ng pinadalhan ako ng email ng accounting na may maling naihulog sa account ko. tinanung ko ang girlfriend ko nuon na may hawak ng atm ko, ang sabi nya akala nya may bonus ako so hindi na nya ako tinanong. ang naging resulta po ay tinerminate ako dahil hindi ko mabayaran ang pere (118k Pesos), kahit nagmakaawa ako na bayaran ng installment. after nun, ilang buwan akong walang trabaho at patuloy na ini-email ng kumpanya na magbayad. Nanghingi ako ng payment option pero wala silang sinasagot.sanabi lang nila na kapag hindi ako nagbayad ay magpa-file sila ng estafa. Ngayun po ay nagpadala sa akin ng subpoena ang prosecutor para magfile ng defense bago ang preliminary investigation. wala naman po akong pera pambayad ng lawyer at wala din po ako sa Pilipinas para makapunta sa prosecutor office.
Ang mga tanong ko po ay ito:
1. Hindi po ba ilegal ang pagkakaterminate nila sa akin ng wala akong representative at napilitan lang pirmahan ang termination paper na walang binigay sa akin na kopya?
2. Bakit po estafa ang kaso kung hindi ko naman hiningi ang pera at kasalanan ng accounting department 'yun?
3. Pwede pa po ba ako makiusap sa HR Director, na nag-file ng kaso, ng Payment Options?
4. Ngayun po ay mababayaran ko naman ng installment ang pera, pero may chance po ba na ipakulong pa rin nila ako kahit willing ako magbayad?
Maraming salamat po sa tulong na maibibgay ninyo.