Magandang umaga po!
Nitong nakaraang 3 buwan, nakasuhan ang mama ko ng qualified theft mula sa dati niyang boss. Admin Assistant siya sa maliit na kompanya at nasangkot siya sa nangyaring paggawa ng ilegal na pagbebenta ng mga ahente. Ang kasama niyang nakademanda ay ang ahente na si Jay R. Sila ay pinagbabayad ng 3 million mahigit dahil iyon daw po ang nawala sa kompanya. Ayon sa mama ko ay wala siyang nagalaw sa perang iyon dahil kung meron, sana ay matagal na kaming umalis at nangibang bansa. Habang si Jay R ay tumakbong konsehal sa aming barangay. Marahil ay dun nya ginamit ang nasabing salapi.
Nakatanggap na po kami ng subpoena mula sa abogado ng kabilang kampo. Sa mga ebidensyang nailahad, ala sa mga iyon ang magdidiin sa mama ko sa nasabing kaso, bukod sa teskeng nakita sa kanyang drawer sa loob ng opisina, ang tseke ay nagkakahalagang almost 20,000 pesos at ito ay nakapangalan sa nasabing kompanya, sa makatuwid, walang paraan ang aking ina upang ipalit ang tseke. Iyon ay tinago lamang nya ayon na rin sa pkiusap ng ahenteng si Jay r. dahil nga sila ay magkaibigan din naman.
Isa pa, ang tatayong witness ng kabilang kampo ( na hindi naman idinidiin ang mama ko) ay isa rin sa mga nagnanakaw at nagbebenta ng mga produkto. Ito nga daw ay kahati pa dati ni Jay R sa mga napagbebentahan. Isa pa sa aming napansin ay ang audit na ginawa ng boss ng mama ko. Ang perang pinapakita nila na nawala sa audit ay halos 60,000 lamang at napakalayo sa hinihingi nila na 3 milyon. Ang audit ay isinagawa, isang taon pagkaresign ng mama ko sa kompanya. Siya ang nagresign ayon na din sa kagustuhan ng boss niya. Ang isa pang nakakapagtaka ay ang date ng suspension letter na ayon sa kabilang kampo ay para sa mama ko. Ang date ng suspension letter ay isang buwan pagkatapos niyang magresign.
Sa ngayon po ay hinihntay nalang namin ang desisyon ng piskal na humahawak sa kaso ng aking ina. Ang nais ko po sanang isangguni sa inyo kung bababa ba sa bailable ang kaso ng mama ko,at kung oo, magkano ang pwedeng maging halaga ng kanyang bail. At maari din ba na ma-dismiss siya sa kaso dahil na rin sa kakulangan ng ebidensya?
Maraming salamat po.