naka pirma po ang father ng anak ko sa BC. may asawa at isang anak po ang father ng anak ko dati pero hiwalay na sila. seaman po sya. sinabi ko po sa kanya na 200 dollars ang ibigay nya sa akin para sa anak nya monthly, hindi daw nya kaya yun, kaya napag usapan namin 150 dollars na lang. nanghingi din po ako ng advice sa paws 5 years ago ang sabi pumayag na daw po ako buti daw po nagbibigay..
mula october po 2011 100 dollars na lang binibigay nya kung anu ano na naman po dinadahilan. nag aaral po ang anak namin sa private school mga kapatid ko na nga po ang nag down ng kalahati sa school.
ask ko lang po kasi alam kong itutuloy na nya ang 100 dollars mntly. kulang po yun sa mga gastusin ng bata.. sapat na po ba yun? ang sweldo nya nasa 50thou mnthly pwera tip nila. sabi ko huwag na nyang bawasan dahil nagtataas na lahat ang bilihin. 5 yrs old na now ang anak ko sa loob ng 5 yrs hindi man lng nya kinausap at pinasyal ang anak nya hindi na po ako nanghihingi ng kung anu ano.. pag na inis daw sya kukunin na lang nya ang anak namin para hindi na daw ako mamroblema.. makukuha po ba nya ang anak ko?
maraming salamat po.