Good day po, hihingi lang po sana ako ng advice. Na aksidente po ako last Oct. 28, 2011, Binangga po yung minamaneho kong motor ng isang sasakyan na pagmamay-ari ng kilalang kumpanya. Pagdating ko po sa presinto nandun na yung representative nila ng legal dept. Nung matapos po yung imbestigasyon ng pulis lumabas po na ako yung biktima. Para lang po hindi na maabala pumayag po ako na mag pa areglo, sabi po babayaran daw po lahat ng damages ko using insurance. Feb. na po kasi ngayon wala parin yung claims ko. Ano po ba pwede kong gawin para mapabilis yung pagbabayad nila, masyado napo kasing matagal at malaking abala na po. Pwede po bang bayaran nalang muna ng company nila yung same amount na ibibigay ng insurance sakin? Marami pong salamat. Sana po matulungan nyo ako.