Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Ano po kaya ang dapat? Hindi daw sakop ng DTI

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

ingenious


Arresto Menor

Nais ko lamang po humihingi ng tulong at payo tungkol po sa aking suliranin. May maliit na negosyo po kaming mag asawa na may kaugnayan sa printing. Bagamat wala kaming sariling printing equipment at nag papa subcon lang sa iba, kami po ay kumikita kahit maliit lang para masustentuhan ang aming simpleng pamumuhay. Nang makaipon na po kami ng puhunan, kami po ay nagpasya na bumili ng sariling printer para po makadagdag sa aming kita. Nagpunta po kami sa Canon Philippines para po tumingin ng printer na nababagay sa aming negosyo. Dalawa po sa ahente ang nag alok ng digital printer. Nag test po kami gamit ang ibat ibang klaseng papel. Bagamat hindi po gaanong maganda ang output, nakumbinsi po kami ng ahente na makukuha po sa adjustment at gaganda ang kulay at print quality. Sa katunayan daw po, may cliente daw sila na kagaya din daw ng negosyo namin at wala naman daw po naging problema. Ibinigay po nila ang printer sa halagang Php. 395000.00 na walang downpayment at babayaran namin sa loob ng 12 buwan. Isang linggo po lamang at naideliver na po ang unit. nag test po kami ulit at ginawa na po ang adjustment na sinasabi ng ahente. Nagpadala po kami ng print samples sa mga cliente namin at hindi po nagustuhan yung print quality. Sinabi po namin sa ahente ang nangyari at nagpadala ulit ng technician para mag adjust ng printer. Isa isa na po nawala ang mga customer namin pero hindi pa po nagagawan ng paraan ang printer. Hanggang sa nasira at hindi na maayos ng technician. Pinalitan ng bagong unit at saka nila sinabi na marami palang klaseng papel ang hindi kayang imprentahan ng printer na hindi nila binanggit nung una pa lang. Napilitan po kaming ibaba ang presyo para lang makakuha kami ng trabaho. Wala pang isang araw ginagamit, nasira na naman ang printer. Doon po nagdesisyon na kaming isoli ang printer. gumawa po kami ng formal letter at ipinadala sa Canon Philippines. Kinabukasan, pinuntahan kami ng ahente at nakikiusap na wag na namin isoli kasi mayayari daw ang work performance nya. Gagawin na daw nilang 24 months to pay at sya na daw ang mag aabono ng interes. I adjust nila yung monthly payment to 24 months. Sinubukan namin ulit i alok sa mga customer pero talagang walang may gusto sa ganong quality. Tinawagan po namin ang sales supervisor ng Canon pero wala po silang aksiyon sa request namin na soli nalang ang printer. Naideposit na rin po nila ang unang buwang bayad namin na P16458.00 kahit wala namang nagawang trabaho ang printer. Inilapit po namin sa Department of Trade and Industry ang aming problema pero hindi po kami natulungan dahil hindi daw nila sakop ang ganung kaso. Consumer products lang daw ang sakop ng ahensya nila. Nakiusap po kami sa Canon na i delay muna ang hulog ng pangalawang cheke dahil wala po kaming makuhang kliente at nawala na po ang mga dati naming customer pero di rin po kami pinagbigyan. Naideposit po yung cheke, wala na po kaming pondo. Tumatakbo po ang panahon at muli po kaming nakipag usap sa Canon Philippines pero ang sabi po maghintay lang daw kami at nasa legal department na daw ang kaso namin. Natatakot po kasi kami dahil malaking kumpanya ang Canon Philippines at baka pag dating ng panahon kami pa ang kasuhan ng Canon. Malapit na po uli ang katapusan ng buwan at ihuhulog na naman ang pangatlong cheke. Naubos na po ang naipon namin at nawala na rin po ang mga cliente namin. Hindi po naman binaggit ng Canon na ang produkto nila ay ordinaring color copier at hindi ang hinahanap naming digital printer.

attybutterbean


moderator

I think DTI can assume jurisdiction over your complaint. The one who advised you otherwise may be mistaken. I have checked with DTI”s website and it would appear that your complaint will fall on manufactured products (office machine) and it is stated that:

“For complaint(s) on manufactured products (appliances, cars, furniture, office machines, laundry soaps, detergent bars, school supplies, processed milk, coffee, salt, etc.), call the Department of Trade and Industry at tel. nos.: 751.3330; 811.8231 to 33 local 1229; 751.3236; and 751.0384 locals 2223 and 2225.”

Please see: http://www.dti.gov.ph/dti/index.php?p=135&c=38&pg=2

Try calling the above contact numbers to assist you with your problem.

I sympathize with your problem especially because you are just operating a small business. Your concern that Canon might file a case against you is very likely to happen because you have issued checks in its favor. In all likelihood, Canon will file criminal case/s for violation of B.P. 22 (“Bouncing Checks law”). The problem with a criminal case for B.P. 22 is that good faith is not a defense. What is punished by law is the mere issuance of a worthless check.

If you have issued 12 worthless checks, then Canon can file 12 counts of violation of B.P. 22.

Of course, absence of consideration is also a defense in B.P. 22. For example, you issued a check to purchase a printer and the seller was not able to deliver the printer. Subsequently, your check bounced. You have a good defense in case the seller files a case for violation of B.P.22 because of lack of consideration.

The problem with your situation is that Canon was able to deliver the printer and you in fact accepted the same. It also appears that the printer is in good condition and the only problem is that it is not suitable for your business. Under the circumstances, it cannot be said that your checks were issued without consideration.

Also, try communicating further with Canon. You can try negotiating for the replacement of the printer with another that will suit your business needs.

3Ano po kaya ang dapat? Hindi daw sakop ng DTI Empty re: DTI Sat Jul 25, 2009 2:43 pm

ingenious


Arresto Menor

Tumawag po kami muli sa DTI ngunit talaga daw po hindi daw sa kanila dapat ilapit ang mga ganitong problema. Sa korte daw po isinasampa ang mga ganitong kaso. sa kasamaang palad po, naubos na po ang mga naimpok namin at wala na po kaming mailalabas para ipambayad sa abogado. pati na po ang pampondo sa bangko para sa cheke na idedeposit ng canon sa katapusan ng buwan.Maraming salamat po sa inyong tugon. Malaking bagay po ito sa aming mga walang nalalaman tungkol sa batas. Ang inyo pong kaalaman ang aming gagawing gabay para po maiwasan namin ang mas lalo po naming pagkapahamak dahil sa sa kagustuhang umasenso at hindi lubusang pag aaral sa mga maseselang mga desisyon. ito po ay naging isang aral para sa amin. marami pong salamat ulit at God Bless!

attybutterbean


moderator

Okay, it appears that DTI is not entertaining your complaint because you are not complaining about any defect in the printer that was sold by Canon. It is not a defective product complaint that DTI can look into.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum