Ako po ang may-ari ng bahay at pinapaalis ko na ang mga tenants ko kasi di sila nkapagbayad ng 4 buwan. Pinabarangay ko na sila pero di sila pumupunta sa hearing. pinagpasyahan ko na ibenta ang ibang gamit na pwede kabayaran ng mga pgkakautang nila. pero nung nagpakita ang tenant ko kahapon nagalit sya na ikinandado ko ang bahay at pinasok ko. may karapatan naman po ako na pumasok di ba? meron po kaming kontrata na nakalagay don after 3mon na di sila nagbabayad ay pwede na sila paalisin at ihold ko mga gamit na pwedeng kabayaran sa pagkakautang nila..tama po ba yon? ngayon, ako ang kinasuhan ng tenant ko na magnanakaw kasi daw may nawawala syang mahalagang bagay sa bahay nya na pagpunta namin nung una na kasama ko ang mga tanod, wla namang gamit na sabi nya..ano po ba ang maaari kong laban sa kasong pagnanakaw na inihain nya sa kin? karapatan ko po bilang may-ari na pasukin ang bahay di ba? i need legal advice asap..salamat po!
Free Legal Advice Philippines