good morning, ask ko lang po about my situation, my husband is a military officer, may naanakan po syang 2, 7 years ago. sa military po, yung sustento sa ganung kaso, salary deduction po, before po kami ikasal 1 palang po yung deduction 1,500 kasi po nadaan sa amicable settlement. yung 1 po, dumaan sa korte, nag-pa DNA test pa po na ginastusan ng asawa ko, at ang result po positive na sya nga ang biological father, nagbayad po ng damages ang asawa ko worth 150,000. dko po alam ang mga nangyayari that time. may mga agreement po sila na nabasa ko lang sa mga letters na dumarating sa bahay. 5,000 monthly support tapos sya po magbabayad ng school fees ng bata, grade 1 po 38,000+ ang tuition fee. pag po d sya nakakabigay sa tuition, nirereport po yung asawa ko sa provost at sinusulatan yung opisina kung saan sya naka-assign. ang problema po, ang take home pay nlng na natitira sa amin ay 11,000 dahil po sa mga loans nya na nagastos sa kaso. tumaas lang po dahil sa mga increase. nakitaan ko po sya ng deposit slip na 5,000. ang akin lang po, may paraan po ba na mag-apela ako sa sustento or makipagbargain sa agreement. ang akin po, mas malaki po yta yung nabibigay sa kanila kaysa sa aming pamilya, ang nabibigay po sa kanila almost 8k, na kmi po sa 11k na dto nakatira ang asawa ko. may trabaho nman po ako, pero sa tingin ko po unfair po para sa akin, kc po ang nasusustentuhan nya ay yung anak nya sa iba, tpos ako po ang nasustento sa pamilya ko, nagaaral na rin po yung anak ko. pag paguusapan po nmin yung sitwasyon, nagagalit lang po yung asawa ko, hanggang magaway kmi at dumadating sa punto na nasasaktan npo nya ako physically. dko na po alam gagawin ko. salamat po.
Free Legal Advice Philippines