Ask ko lang po kung may makukuha pa kaya akong sahod this Friday the 13th? Ang nangyare po kase nag walk out ako nung Tuesday January 3 2011 kase po ayaw tanggapin ni Supervisor yung resignation letter ko effective Friday January 7 2011. Tapos bigla akong nilapitan sa station ko walang ka.abog abog na may matching pang iirap pa. basta hindi po approachable ang pag punta niya sakin. may mga pending case pa daw po ako like NCNS etc. Kaya hindi daw po ako pwedeng mag resign. Ang concern ko lang po may makukuha pa po ba akong sahod kase po ang cut off is from Dec 21 to January 5 2011. Approved naman ni Supervisor yung log in logout ko. May habol po ba ako sakanila? If hindi ko po nakuha yung sahod, ano po dapat kong gawin?
paigetaft.x