tatanong ko lang po kung ano yung legal na proseso ng pagreremata ng lupang sinangla. ang deadline po ng kontrata ay noong october 6, 2011. hindi po nakikipag-usap ang nagsangla at wala naman palagi pag pinupuntahan sa bahay. asakin po ang ctc, tax dec at kontrata. first time ko pong tumanggap ng sangla kaya kailangan ko pa ng assistance kung papano to gagawin ng tama at legal. maraming salamat po.