Retired Philippine Navy po ang tatay ko at isang taon na po mula nang mamatay sya, kaya pumunta ako dito sa maynila para makuha sana ang pension ng tatay ko, kaso nung i claim ko na po ang pension, dun ko lang nalaman na ang tatay ko po pala ay merong unang asawa, at ikinasal po sila sa simbahan noong December 25, 1974 . Kaya hindi ko daw po pwede ma claim yung pension dahil nga po meron syang unang asawa. Ganito po kasi ang nangyari.
Meron syang unang asawa sa Cavite at ikinasal sila sa simbahan noong December 25, 1974. Bago nya nakilala ang nanay ko dito sa cebu, naging sila at ako nga ang naging bunga noong 1978. Matagal na rin pong hindi nagsasama ang tatay ko at una nyang asawa.
Ang gusto ko lang pong malaman ay kung meron pa rin po ba kaming karapatan o habol ng nanay ko sa pension ng tatay ko, kahit na lumalabas na parang pangalawang pamilya kami. Ikinasal din po naman po ang nanay at tatay ko yun nga lang, nagpakasal sila sa simbahan nung retired na yung tatay ko.
May pag asa po ba kami na makuha ng nanay ko ang pension nang tatay ko?, o kung hindi naman pwede ang nanay ko, dahil nga kinasal sila na retired na sa serbisyo ang tatay ko, ako, na anak ay may karapatan ba na kunin ang pension?, dahil wala namang anak ang tatay ko sa una nyang asawa. Anu - ano po ba ang mga karapatan namin bilang pangalawang pamilya at anu po ba ang dapat naming gawin?
Sana po ay mabigyang nyo ako ng payo kung anu po ba ang dapat kong gawin.
Maraming salamat po