I am a Contractor of my small construction company. May client ako na nagpagawa ng Residential / Commercial Building worth 2.16M. As per contract ang scope of work namin ay structural only. Ok siya nung downpayment at unang 3 months na magbayad. Nung ikaapat na buwan na, nag simula na ma delay ang mga payments nya.
Nag ka barangayan kami at may pinagkasunduan na babayaran niya lahat oras na matapos ang construction contract worth 450k na kulang. Samakatuwid natapos ang dapat matapos sa ok Residential / Commercial Building niya ng Oct 12, 2011. Pumirma na siya ng Turnover / Handover din. Instead na bayaran nya kami ng 450k, ang nangyari ay naging 345k na lang at binawas ang ibang items.
Ang sistema pa, nagbayad siya ng 3 postdated checks na worth 115k each dated Oct 30, Nov. 30 and Dec 20. Pumayag na din kami para mabawi na lang ang puhunan namin.
Ang unang check na oct 30 ay good. Ngunit ang nov 30, ang ginawa niya ay SPO. Ang nakalagay sa check na bumalik ay SPO-funded. Ang reason nya kaya siya nag stop payment ay dahil daw daw sa leak sa salamin, in which ay hindi part ng work namin dahil iba ang gumawa.
Ang pangatlong check siguradong SPO na din.
Under BP22 & Estafa na din ba ito Atty?
Thank you,
Kaloyski