Magandang gabi po mga lawyers..Ako po ay inampon ng isang binatang guro noong ako po ay 3 taong gulang pa lamang..Pagkamatay po ng umampon sa akin,inampon po ako ng kapatid nya na mag asawang walang anak..Nalaman ko po ito noong nabasa ko po ang affidavit ng biological mom ko na pinapaubaya na po nya sa unang umampon sa akin ang lahat ng karapatan at obligasyon niya sa akin..Noong 2004,namatay po ang mama ko na umampon sa akin..Ang problema ko po ay ang mga kapatid ng yumaong umampon sa akin..Gusto na po nilang kunin ang bahay at lupa na minana ng yumaong umampon sa akin mula sa kanyang mga magulang..Tutol po ang papa ko kasi nga po buhay po siya at me karapatan po siya sa lupa kahit na po ito ay minana ng asawa nya sa mga magulang nito..
Sa kasalukuyan,ako po ay may asawa na at anak..Ang tanong ko po
1.Me karapatan po ba ako sa bahay at lupa ng umampon sa akin kahit ako ay adopted lang?
2.Me karapatan din po ba ang papa ko sa lupa dahil sila ay legal na kinasal?
Sana po ay mabigyan niyo po ako ng kasagutan sa mga tanong ko..Maraming salamat po..