Naginvest ako sa isang business na nakilala ko sa isang org para sa lending business nya. Yung contract namin is for 6 months pero pwede naman daw na tuloy tuloy lang hanggang di nya naibabalik yung capital at interest.
Nakapagbigay sya ng interest for the first two months lang tapos di na nagbayad after that for more than a year na. madami syang paslusot kesyo di pa daw sya nakakasingil, problema sa pamilya at ano ano pa. palagay ko binibilog lang nya ulo ko. nagaalala ako na wala na talagang balak ibalik yung pera ko at interest. ayaw ko sana na humantong sa legal action pero nakakaasar na talaga.
Pwede po pahingi ng advise kung ano po gagawin kong legal actions para mabalik yung pera ko with or without the interest.
Salamat po.