may rumors dito sa aming neighborhood na "babae" raw ng asawa ko ang kapitbahay naming may ka-live-in din, pero di ko ma-confirm. minsan hiniram ng asawa ko extra cellphone ng daughter ko kasi nasira raw cellphone niya. nang isoli, nakalimutan niyang i-delete more than 30 text messages sa babae na very personal. since takot ako sa asawa ko, i never confronted him, pero alam niya na may alam ako, pero pareho kaming nakikiramdam lang. ang masakit nito, 9 months after ma-confirm relasyon nila, nanganak si babae. lalong tumindi chismis na anak daw ng asawa ko kasi di nga sila magka-anak ng ka-live-in niya. ang problema ko, pinagtataguan ako ng pera ng asawa ko at alam kong sinusuportahan niya si babae. based sa mga text messages, very obvious na lumalabas sila at hinuhuthutan ng pera ni babae. in fact, ang puhunan ng asawa ko sa negosyo niyang pautang na pera na umabot na sa 12K biglang nawala ng hindi ko alam saan napunta. ang partner kasi ng babae walang trabaho, pa-extra extra lang mag-tricycle at si babae, bago asawa ko, may sugar daddy rin kaso namatay na. kaya asawa ko naman pinatulan. sa ngayon, lagi pong kulang inientrega ng asawa ko kahit alam ko kung magkano dapat sahod niya. kapag tinanong mo, nagagalit, hinahanapan ko raw ng pera. para walang away at gulo, masama man ang loob ko, quiet na lang. masama kasi ugali ng asawa ko, pagnagalit, mas malakas pa boses sa akin, at nagbabasag ng gamit. by the way, 2nd time na itong pambababae ng asawa ko. nagkahiwalay kami for 6 months, bumalik lang siya. ano kaya ang pwede kong gawin kasi matagal na akong emotionally battered. i am under severe stress. thank you