ask ko lang po..
Balak ko po kasi sana kasuhan anghusband ko and yung mistress nya ng Concubinage..
kaso sabi po ng husband ko magpafile daw sya ng anulment case at Intimidation daw ang grounds nya.. kasi hindi daw legal ang kasal namin.. dhil pineke lang po namin ang pirma ng mga parents namin.. Intimidation daw po ang grounds nya kasi parang napilitan lang daw po sya nung pumayag syang magpakasal sakin..pero nasa legal age napo kami nung nagpakasal kami.. year 2004 po kami nagpaksal.. 25 years old po sya that time at ako naman po 23 years old..
ako po ang nagayos ng mga papers namin para magpakasal kami.. pinafixer ko lang po sya para makasal kami agad.. before po kami nagpaksal nag live in muna kami ng 1 month then inasikaso ko po yung papers ng kasal namin at pinapirma ko sya..kya daw sya pumirma kasi tutal s kasalan din naman daw kami mauuwi pero wala pa daw sya plano magpakasal nun pumirma lang daw sya kasi mahal nya naman ako that time....intimidation napo ba an tawag dun?judge po yung nagkasal samin at dun mismo sa QC city hall kami kinasal..
nagcheck naman po ako sa NSO meron namam kami records dun.. at sa lahat ng mga papers or gov docs namin marreid po ang declaration namin..
married po kami ng almost 8 years..
naghiwalay po kami ng bahay last year kasi po nalaman kong nangbababae sya..pero umuuwi naman po sya minsan sa bahay every weekend..pero ang usapan lang po namin nun maghihiwalay muna kami para hindi kami madalas nagaaway .. kasi kelangan naming magpalamig muna sa mga nangyayari samin..kung baga po sa mag boyfriend and girlfriend eh cool off muna kami..
pero last month po nalaman kong may ibinabahay n pala syang babae..
ano po ba ang magandang gawin ko?
gusto ko po kasi sila makulong ng kabit nya..
may laban po ba ako?
about po dun sa intimidation totoo po bang walang bisa ang kasal namin dahil sa intimidation?
sana po mapayuhan nyo ako..
salamat..