May anak po ako sa ibang girl, pero hindi po kami kasal. ok naman po sana yung takbo ng relationship namin noon ng girl nato, at nagagawa ko lahat ng responsibilidad at obligasyon ko sa kanilang mag-ina, kaso isang araw nagdecide na lang siya umalis at iwan kami mag-ama dito sa Pilipinas. Sabi niya malaya na ako magkaron ng girlfriend dahil ganun din siya doon. Kumbaga ang naging connection na lang namin yung bata which is sinusuportahan ko pa rin hanggang ngayon. After 2 years may nakilala ako girl, eventually naging girlfriend ko siya. Tanggap niya lahat sakin at pati sa bata. After a few months umuwi dito sa Pilipinas yung nanay ng anak ko at nung nalaman niya na may girlfriend ako ginulo niya ito. naaawa ako sa girlfriend ko kasi wala naman siya kasalanan dito. Hindi ko alam kung ano hinahabol ng nanay ng anak ko saken, hindi naman kami kasal, hindi ko na rin siya mahal wala ng natitirang pagmamahal kung suporta lang sa bata wala problema sakin, dahil may pinirmahan naman ako nun as father ng anak ko. naawa lang ako sa girlfriend ko kasi kahit sa trabaho niya pinupuntahan siya ng nanay ng anak ko at ngayun balak pa nito i-trace kung san nakatira girlfriend ko at gusto puntahan para guluhin. ayoko mawala yung girlfriend ko. Sabi ko sa nanay ng anak ko magkaroon na lang kami ng settlement para sa bata sa barangay dahil hindi ko naman tatakbuhan ang obligasyon ko dito ngunit ayaw niya makipagsettle instead ang gusto niya guluhin yung girlfriend ko. Please help me po kung paano po yung gagawin ko. gusto ko na po maayos lahat. Need your reply atty. please. Nagiging kumplikado na po yung situaton ngayon sa part ng girlfriend ko. Gagawin ko po lahat para maprotektahan siya ngunit hindi ko po hawak ang takbo ng isip ng nanay ng anak ko. Thank you very much po in advance.