Ganito ang buong kwento: June 2007 nang lumipat ako sa apartment kasama ng 4 ko pang kaibigan. Paglipas ng ilang panahon eh umalis ung isa pero may pa.
Nung lumipat ang isa kong kaibigan eh madalas na ding pumupunta yung boyfriend nya sa apartment. Sa kasamaang palad eh sinira ng boyfriend nya ang tatlo naming pinto (pinagsusuntok hanggang mabutas.)
Bago kami lumipat ng bahay pagtapos ng isang taon naming kontrata ay kinausap ko ung landlord ko tungkol sa mga nasirang pinto. Ipinaalam ko sa kanyang ang bf ng housemate ko ang sumira nun. Sinabi ko din na kung magkano man ang magastos niya para sa paggawa ng pinto ay ibawas na lang sa deposito naming P15,000.
Pagkaraan ng ilang araw ay kinontak ako ng dati kong landlord at kailangan daw naming pag-usapan ang damages. Kinausap ko sya at sinabing handang panagutan ng boyfriend ng housemate ko ang sira.
Hinarap naman ng boyfriend ng housemate ko ang dati kong landlord pero hindi sila nagkasundo. Bukod kasi sa P15k na deposit namin eh humihingi pa ng P30,000 additional ang dati kong landlord. Dahil sa hindi nagkasundo, humantong sa pagsasampa ng kaso ang sitwasyon.
Nakausap ko pa ang dati kong landlord at sinabi nya sa akin na isasama nya ako sa kaso dahil ako ang nakapirma sa kontrata. Kinausap ko at ng iba ko pang housemate ang boyfriend ng housemate ko at sinabing bayaran na lang nya ang P30k para wala na lang kaso. Pumayag pa akong magpaluwal para hindi na ako madamay pa. Hindi pa rin nagkaayos at tumanggi pa rin ang boyfriend ng housemate ko kaya natuloy ang kaso at kaming dalawa ang kinasuhan.
Malapit na ang unang hearing ng kaso namin at gusto ko sanang humingi na payo.
Ano ang chances na mapawalang-sala ako dito?
Ano ang pinakamabigat na mapurang maaaring ipataw saken?
Ano ang magiging epekto nito sa mga records ko gaya ng NBI at Police Clearance at sa akin sakaling maga-apply ako ng trabaho?
Ano din ang mga hakbang ng puede kong gawin para naman mabigyan ng hustisya sa kaguluhang ito.
Sa totoo lang ay napakalaki na din ng naging epekto nito saken. Ilang beses na din akong lumiban sa trabaho para umattend ng arraignment, pre-court trial etc. Pati ang mga vacation leave ko sa trabaho na imbes na sa ibang okasyon ko na lang ilaan eh in-allot ko na lang para sa mga hearing. Hindi rin ako mapayapa sa thought na mayroon akong nakabinbing kaso.
Sana eh matulungan nyo ako. Salamat.