Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Minor Kumuha ng Pera sa Amo

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Minor Kumuha ng Pera sa Amo Empty Minor Kumuha ng Pera sa Amo Wed Nov 09, 2011 11:33 pm

askingforhelp


Arresto Menor

Magandang gabi po. Ako po ay may kaibigan na kapwa ko 15 yrs. old. HIrap po sila sa buhay kayat napilitan po syang mamasukan. Ang naging amo po niya ay isang government official (taga DSWD daw po). sa loob po ng halos dalawang buwang pagtatarabaho niya bilang tagapag alaga ng bata ay malimit siyang mangupit ng pera sa kanyang amo. Ito po ay nagastos nya sa pamilya niya at sa kanyang pansariling pangangailangan. Nahuli po siya ng kanyang amo at sinabing ipapapulis siya. Nakiusap po siyang huwag ipapulis at huwag sasabihin sa kanyang magulang ang tungkol dito. Na babayaran nya ang kanyang nakuha sa patuloy na pamamasukan sa mga ito. Sabi po ng kanyang amo ay pag iisipan pa niya kung ano ang gagawin. Sa takot po ng aking kaibigan ay lumayas siya sa kanyang amo. Siya po ay pinahanap at natagpuan.
Pilit po silang pinagbabayad ng amo sa nakuhang pera ngunit gustuhin man nila ay wala silang maibayad. Kakasuhan daw po sila pati ang kanyang magulang pag hindi sila nag bayad.
Ano po ang pwedeng ikaso sa kanila at possible po bang makulong ang kanyang mga magulang sa kasalanan ng kaibigan ko? ano pong hakbang ang maaari naming gawin?
Salamat

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum