Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

grave threat and..?

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1grave threat and..? Empty grave threat and..? Thu Nov 03, 2011 10:28 am

gaarasama


Arresto Menor

hello po ulit attorney, hingi lang din po ako ng advice.....
bali kagabi po kasi habang ngkatambay sa labas ng bahay namin ung kapatid ng girlfriend ko (itago natin sa pangalang roy), mga bandang 10:45 po ng gabi, ng may magdaang anim ba lalaki, mga nakainom po, tapos sa hindi malamang kadahilanan (feeling po namin eh apagtripan) bigla nilang hinila si roy tapos tinutukan ng baril, sabay sabing "ikaw, gusto mong itumba kita?", syempre po pumalag po ung ibang kamag anak namin na nasa tapat din ng bahay pati ung isa pa nyang kapatid, ang ginawa po nung mga lasing na napadaan, isa po sa kanila ay sumuntok kay roy. Tapos walang sabi sabing naglakad papalayo. Hinabol po sila ng kagawa namin pero ung isa po dun sa mga yun ay nangtutok ng sumpak. Syempre po huminto ung kagawad.
Ang nangyari na po ngayon eh naipablotter na namin sa malapit na istasyon ng pulis. Naging matulungin naman po ung mga pulis at nagikot kami kagabi sa lugar subalit hindi na po namin sila naabutan. Sa amin pong pagtatanong tanong eh amin pong napag alaman na ung nanutok kay roy ay isang 4th year criminology student sa isang unibersiad dito sa maynila. Bali nag iintern na po sya sa isang police station malapit din po dito sa aming lugar. Nagkataon naman po na ako ay nagtuturo rin sa nasabing unibersidad ngunit sa ibang kolehiyo nga lang po. Hindi po ako nagtuturo sa college of criminology sa school namin. Pupunta po ako mamaya sa aming eskwelahan para po maberipika kung talaga ngang criminology student sya.

Hihingi lang po kasi ako sana ng opinyon nyo kung ano ang mga nararapat gawin. Meron po ba kaming magagawa kung sakali ngat mapatunayan na nag oojt na ung criminology student na un. Hindi pa nga po sya pulis eh kung ano ano na ang ginagawa. Maaari din po ba kaming magsampa ng hiwalay na reklamo sa eskwelahan at gamiting grounds ung aming isasampang reklamo sa himilan ng pulisya upang mahadlangan ang pagiging isang pulis ng aming inirereklamo?

Sa ngayon po kasi ay nasa pagkakalap pa lang kami ng mga dagdag na impormasyon. Hindi po kasi namin alam ang mga buong pangalan at adress ng mga akusado. Bali nkikipag ugnayan pa lang po kami sa mga baranggay pang makuha ang mga impormasyon. Meron na po kaming medical certificate tungkol sa ginawa nilang pananapak at meron din kaming mga saksi (kagawad, kapatid, at ibang kapitbahay) hinggil sa ginawa nilang panunutok ng baril.

Sana po ay inyo akong mabigyan ng linaw at gabya sa mga hakabang na dapat naming gawin.

Maraming salamat po!

2grave threat and..? Empty Re: grave threat and..? Thu Nov 03, 2011 11:39 am

attyLLL


moderator

you're doing the right thing. just keep gathering evidence of their identity.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum