Good afternoon! Sir/Madam: nais ko pong humuling ng tulong para sa karapatan ng anak ko bilang isang kadugo kahit iba ang gamit niya na apelyedo. Matagal na pong katanungan ito sa akin kaisipan. Nagkaroon po ako ng karilasyon, siya ay isang pulis nakilala ko siya ng ako ay dumalaw sa akin pinsan na nakakulong sa Navotas City Jail last 2002 namatay siya last August 7, 2009. Meroon po kami anak na babae, 6 y/o. Wala po ako ebedensiya na litrato na magpapatunay na kami ay nagkaroon ng relasyon dahil takot po ako magpaletrato na kasama siya, sa dahilan mayroon ako kinakasamang foreigner. Nang ako ay magbuntis agad ko sinabi sa foreigner ko na buntis ako sa ibang lalaki una ay nagalit siya subalit kinalaunan ay tinaggap niya ang bata dahil hindi niya ako mabigyan ng anak, isa siyang bysectomi. Binigay ni foreigner ang surname niya sa anak ko kahit hindi kami kasal, last 1999 pa kami nagsasama ng aking common law husband. Nang mapatay si pulis nawalan ng karapatan ang anak ko dahil hindi siya nakaapelyedo sa namatay, ang tangi lang puedeng tumistigo na kami ay nagsama ni pulis ay iyong mga taong aming nakakasalamuha sa araw-araw. nagkita kita po kami sa burol ni pulis ng kanyang kinakasama at iyong tunay na asawa, lagi silang nag aaway dahil sa pera. Niloko ako ng kinakasama ni pulis na isasama niya sa claim ang anak ko upang makinabang ang bata kahit sa pampaaral lang, hiniraman po ako ng hiniraman ng pera. Nagkaroon ako ng pagduda, inalam ko po kung talagang isinama niya ang bata, ngunit ikinagalit niya, huwag daw ako makikialam sa pinapasok niya na dokumento. Nahiraman niya ako ng P25,000,00. Panlakad sa Documents, panggastos nila mag iina at pampaayos ng puntod ni pulis. Isang ka buddy ni pulis ang nag sabi sa akin na hingan ako ng pera at paasahin lang. Mayroon isa din ka buddy ni pulis ang nagsabi sa akin po na mapapatunayan ko lang na anak ni pulis ang anak ko kung makakakuha ako ng DNA file ni pulis sa Crame pero paano ko po iyon magagawa wala po ako kilala sa PNP crame at ang kinakasama ni pulis ay malakas sa NAPOLCOM dahil sa kamag-anak nito na emplayada. Atty. Ano at Paano ko po makukuha ang karapatan ng anak ko? Hindi naman kami nag hiwalay ni pulis hanggang sa siya ay mamatay.