In-advice ako ng Globe na pumunta sa NBI. Subalit, ipinagpalipas ko muna dahil binalak ko pang kontakin ang iba nyang mga nabiktima. Yun nga, makalipas ang ilang buwan, marami akong nakontak na iba pang biktima subalit dalawa lang ang tumugon sa akin at hindi ko na alam kung anong aksyon ang kanilang ginawa dahil nawalan na ako ng komunikasyon sa kanila. Kaya ako ay medyo nanlumo sapagkat ako'y nag-iisa. At medyo malayo rin ang pinakamalapit na NBI kung saan pwedeng magsampa ng reklamo.
Ngayon, balak kong pumunta sa NBI at ituloy ang pagsasampa ng reklamo.
Ang mga katanungan ko ay ang mga sumusunod:
1. Valid pa rin ba ang aking reklamo kahit nakalipas na ang mahigit isang taon?
2. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kinokontak ang scammer mula nang malaman ko ang tunay nyang identity. Ang balak ko po sana ay magkipag-ayos na lang sa scammer na ito at kausapin na ibalik na lang nya ang pera ko at hindi na ako magsasampa ng kaso sapagkat wala naman akong pambayad sa abugado dahil isa lamang akong college student. Pwede ba yung ganito na lang? Ano ang mga hakbang na aking gagawin kung sakali?
3. Ang iniisip ko rin kasi, kapag hindi sya pumayag na ibalik nya ang pera sa akin, ay gaganti ako sa pamamagitan ng pagpo-post ng blogs tungkol sa ginawa nya. Sa ngayon ay hindi ko alam kung ganon pa rin ang gawain nya. Iniisip ko na siraan sya sa pamamagitan ng internet para makaganti ako sakaling hindi nya ibalik ang perang pinaghirapan ng tatay ko na isang magsasaka.
Marami na akong impormasyong nakalap tungkol sa kanya mula sa kanyang Facebook account -- mga pictures nya, mga pangalan at pictures ng mga kapamilya at kaibigan nya, at iba pa nyang personal informations. Bigyan nyo po ako ng advice kung anong mabuting gawin.
Maraming salamat!