kinatagalan ay bumili po ng sasakyan ang isang buyer namin at wala kaming alam na ginawang kalsada ang gitna ng isang lote namin na wala pang nakabili(Lot-A). kaya po pala umatras ang mga buyer nameng iba ay sa dahilang mayrong kalsada sa gitna na huli lang namin nalaman. kami pa ho na may-ari ang na-threaten nang balak naming bakuran kaya nagreklamo kami sa baranggay. ang problema po ay naghuhugas kamay ang kapitan at dapat daw sa korte kapag lupa ang usapan.
HINDI PO KAYA SA PULIS KAMI DAPAT HUMINGI NG TULONG? gusto lang namin i-secure ang natirang lote namin, pupunta pa kami sa korte?
yun ho kaseng dulo ng existing right of way namin na nasa east/west sides ay may barbed wire na bakod, iyon ang dahilan nila kaya nag-left turn sila ng kalsada, gamit ang Lot-A dahil wala pang bakod sa north side.
anu po dapat naming gawin? option po namin ay ipagbili na lang sa kanila ang lot-a kung gusto talaga nilang gamitin pero mukha hong gusto lang nila ay extension ng right of way at libre. dito po kami di nagkasundo sa baranggay.
marami pong salamat sa inyong magiging tugon.