matagal na po kaming residente ng lugar namin.ang lupa na to ay pagaari ng lolo ko.anim ang kanyang anak.ang isa dito na tito ko ay may masamang ugali at laging nangugulo lalo na pag nakakainum.sabi ng parents ko,may 250 square meter daw ito.sa bandang harapan ang bahay namin,sa tabi ang bahay ng lolo ko at sa likod ang bahay ng tito ko.lagi kaming ginugulo ng tito ko sa di namin alam na kadahilanan.ang sabi ay naiingit dahil kami ang nasa harapan.at tila gusto nila angkinin ang buong lupa.buhay pa ang aking lolo,at sya'y natatakot na baka sa oras na sya'y mawala ay nakawin ng tito ko ang titulo,o kaya'y kami'y tuluyang guluhin.kaya naisip ng lolo ko na kung pwede'y hatiin ang titulo,ibig sabihin gawan ng sari- sariling titulo ang anim nyang anak sa paghahatiang lupa.gustong mangyari ito ng lolo ko habang buhay pa sya.ngunit baka daw sobrang mahal ng kanyang magagastos,dahil mahirap lng kami.
Free Legal Advice Philippines