Sana po ay matulungan ninyo ako sa aking konting mga katanungan.Dito po sa aming probinsya sa aming kinatitirikang bahay ay bigla pong may dumating na siya raw ang tagapagmana ng lupa na kinatitirikan ng aming bahay, hindi pa ako ipinapanganak ay dito na po nakatira ang aking mga lolo at lola na siyang nagbigay ng aming tirahan. Isang araw po ay nagpatawag ng meeting sa aming barangay ang tunay na may-ari daw ng lupa naming kinatitirikan, pasusukatan daw niya ang bawat bahay at kung ilan ang masukat ay aming babayaran.kami po ang nagbubuwis ng lupa simula pa taong 1980.
Eto po ang aking ilang katanungan.
Kailangan po ba kaming maybayad ? Maari po ba kaming paalisin anomang oras kapag di kami nagbayad? sa loob ng mabang panahon na hindi siya nagbubuwis maari parin po bang sa kanya at hindi sa munisipyo ang lupa dahil kami naman ang nagbubuwis. ngayon lang siya biglang sumolpot.
Maraming salamat po sana ay matulungan nyo ako.