Hello po, ako po ay nagdridrive ng motor papunta sa amin, ang dinadaan ko po ay National Highway, ako po ay may helmet, jacket, non-professional license, at 2011 rehistro ng motor. Habang nabiyahe po ako ng gabi na may bilis na 50-55 kph, may batang lalake (14 years old more or less) na biglang lumiban gamit ang bike nya. Ang nangyari ay nabangga ko po sya, pero.. inilihis ko pa rin sa kaliwa pa hindi siya mismo ang mabangga ko.. instead ung bike nya sa huli, ang kaso ay tumalsik pa rin sya sa lupa ako ako naman sa kaliwang kalsada. Pinahospital ko po yung bata kahit aminado sya at yung mga nakakita na sya yung may mali. Ang naging condition po nya sa hospital ay ok naman, nabungi lang ng isang ngipin. Ako po ang gumstos lahat pati yung mga gamot. Ngayon po ay lalabas na sya, ano po kaya ang magandang kasulatan para paglabas ng ospital ay wala na akong pananagutan sa kanila. Pwede nyo po ba akong mabigyan ng sample ng ganoong kasulatan