Ako po ay naggagarantor sa 5-6 sa mga kakilala at kaibigan ko na need ng pera kasi meron akong kakilala na nagpapa 5-6. Lumapit sa akin ang kaklase ko noon at nakiusap na ikuha ko sya ng 5,000 (huli niyang utang) na may interes na 1,000 so bale 6,000 lahat ang utang niya. Nakuha niya ang pera noong April 24, 2011. Nangako syang babayaran every 10th and 25th of the month. At pumayag sya na gawing 3 gives. Alam niya rin na pagnadelay ang bayad ng isang cut-off ay may penalty. Nakapagbayad siya noong May 18 ng 2000 at 1000 noong May 26. May balance siyang 3000 at penalty na 200 dahil hanggang ngayon ay di pa rin niya nababayaran ang balance. Dalawang beses na rin akong nag-abono para sa penalty niya nang sa gayon ay di masira ang pangalan ko sa kinuhaan ko ng 5-6. 420 ANG NAABONO KO.TOTAL NIYANG UTANG AY 3,620.
Nagkaroon kami ng diskusyon sa cellphone dahil nga sa parang iniiwasan niya ako. Ni hindi siya sa akin nagtext o dumalaw man lang sa bahay para makipag usap kung kailan niya kayang bayaran. Samantalang noong kailangan niya ng pera ay halos araw2 siyang nasa bahay. Ang sabi pa niya ay "pera lang 'yan kaya kong bayaran 'yan. Mag-intay ka lang."
Dahil sa konteng di pagkakaunawaan ang isang kaibigan ko na lang ang ginawa kong point of contact sa kanya. Kaya lang puro pangako rin ng pagbabayad ang ginawa niya. Kapag tumatawag sya sa kaibigan namin gamit ang landline na di pwedeng i-callback at madalas napuputol ang conversation nila. Pumunta ako sa bahay ng magulang niya pero ang sagot sa akin ay hindi nila alam ang address ng bagong bahay at wala silang maibigay na contact number nito. Nagpost ako sa facebook nya para paalalahanan na isettle niya ang utang dahil ako ang kinukulit ng 5-6. na confirm niya naman sa friend nmin na nabasa niya ang mensahe ko.
HINDI NA AKO NAKATIIS AT PINABARANGAY KO NA SIYA NOONG AUGUST 12 ,2011 AT NAGKAHARAP KAMI KANINA LANG (AUGUST 13). HINDI KAMI NAGKASUNDO DAHIL SA GUSTO NIYANG BAYARAN IYON KADA A-DYIS NG BUWAN AT 2MONTHS TO PAY (SEPTEMBER 10 & OCTOBER 10) AT ANG MASAMA PA NITO BABAYARAN NIYA LANG ANG 3200 AT HINDI ANG 420 NA INABONO KO. BALAK PA NIYA AKONG IPABARANGAY DAHIL SA FACEBOOK MESSAGE SA WALL NIYA NA PANINIRANG PURI DAW.
TANONG:
1. May karapatan ba syang ipabarangay din ako dahil sa message na pinost ko sa facebook wall niya.
2. Matagal na ang utang at gusto ko na bayaran niya iyon ng buo sa August 25 or September 10 (pay day niya). Kung hindi sya pumayag, may karapatan ba ako na iakyat ito sa Lupon? May karapatan din ba ako na idagdag ang mga expenses ko sa pamasahe sa pagpunta sa bahay at barangay nila?
3. May laban po ba ako dahil verbal lang ang nangyaring usapan namin pero may records ako ng pagkakautang niya at mga naibayad niya na. Nagbitaw kasi ng salita ang asawa niya na kung tutuusin ay wala akong laban kung sakali man na di nila bayaran ang utang nila dahil pangalan ko ang nakapirma sa nagpapa 5-6.
Malaking tulong po ang advice ninyo dahil sa ako ang naiipit at gustong pagbayarin ng utang na hindi ko naman napakinabangan. Masakit lang po kasi ako na nga ang tumulong ako pa ang lumalabas na masama.
Salamat po!