Ang kwento po kasi ay ganito, magkaaway po ang tatay ko at tito ko sa side ng nanay ko... since 2008 po... nung 2008 po nag pang abot sila ng tatay ko... nag baragayan po, tapos nagkasundo na wala nalang pakialaman... ang kaso po, eto pong taon na to, yung tito ko po inutusan yung barkada niya na umutang samin ng alak, e mgkaaway nga po sila ng tito ko, di hindi po pinautang, mga 5mins. later bumalik po yung barkada ng tito ko, sinabi po na pa utang daw po ang tito ko,tapos na balitaan pa ng tatay ko sa mga ito na tatawa tawa pa ang tito ko... nung kinabukasan po, nakita ng tatay ko ang tito ko, at sinabihan na nanloloko ka ba? muntik na po sila nun magpangabot, kinabukasan po ulit nun nung gabi, dumaan ang tito ko sa tapat ng bahay namin... at nag inum sa di kalayuan ng bahay namin... ginawa po ng tatay ko,nakita nya po yung dalawang bote ng softdrink na maliit pinuntahan niya po yung tito ko at hinampas ng bote... anu po bang kaso yun atty? kasi po nag sampa sila ng Frustrated Murder at ano po ba ang parusa ng Frustrated Murder???? need ko lang po malaman ang sagot, ayoko po makulong ang tatay ko... thanks in advance atty.