Attorney may 2 problema po kami kinakaharap sa opisina sa ngayon.
1.) more than 20 years na ako namamasukan bilang regular employee sa isang Computer Company na engaged sa pagImport. Nagkaroon ng pagbabago sa system sa BIR kaya nag pasya ang company namin na magpalit ng Company name.
Wala po silang sinabing Notice sa mga empleyado na magkakaroon ng ganun pagbabago at dumaan ang panahon na hindi namin napapansin na inilipat kami sa bagong companya.
sa pagkakaalam ko po sa Labor Code natin Pag ang isang establishmento ay Na close dapat po magbayad ang aming company ng separation pay 1/2 to 1month = bawat taon ng serbisyo.
Madami akong tinanung sa opisina kung anu ba nangyari sa pagkat mababalewa yung serbisyo ko ng mahigit 20 taon at wala rin pala akong makukuha.
sabi ng isa sa mga taga admin ndi naman daw nag sarado kung hindi nagpalit lang ng pangalan.
anu po ang dapat namin gawin upang hindi naman mabalewala ang aming pinaghirapan ng ganun na lang? May karapatan po ba kami mag clain ng separation pay?
2.)Kami po sa opisina ay under sa tinatawag nilang Tax shielding system. kung saan karamihan po sa amin ay nakadeklara bilang minimum.Ngunit ang problema po tulad ko na ang dating salary declaration eh 7,000.00 noong nakalipas na ilang dekada ay ganun pa rin po sa ngayon. Hindi ko po alam paanung hindi na papansin ng BIR na wala sa Minimum rate ang sahod namin.Ngayon na ang sahod ay dinagdagan na ng COLA na 22.00 kami po ay hindi binigyan nito maliban sa mga naka delcara na ang sahod ay 404.00 na.Bagaman may tinatanggap kami na allowance mula sa owner ng company.Lumalabas na nagkakaroon po ng Salary distortion or kung saan ang sahod ng mga Bago eh lumalabas na masmataas pa keysa sa amin datihan.
7T+allowance po ako.samantlang kung susundin ang nasa labor mas mataas pa ang kumikita ng 426 sa ngayon.
Hind daw kami kasama sa COla sapagkat may allowance kami natatanggap sa Owner.
apektado ng mababang declaration ng sahod namin ang hulog maging sa SSS namin.
Ang tanung ko po Attorney.Kami po ba na ang sahod na below minimum o 7t ang declaration na may natatatnggap na allowance mula sa owner ay hindi kasama sa dapat bigyan ng COLA na 22.00?
Sapagkat sa implementation guide ng labor nakasaad po doon na kung wala naman binigay na umento sa nakaraang 3-5mos at minimum rate kami (under rate in our case) ay dapat makatanggap kami ng 22.00 umento.
Maraim pong salamat sa patuloy ninyo pagseserbisyo sa mga taong tulad ko any hindi nyo naman tuwirang kakilala.Mabuhay ang pinoylawyer.org at naway pagpalain kayo ng maykapal.