pwede po yun sa babae ang mag demand ako for damages for interfernce w/family affair, kahit di po kami kasal ng tatay ng mga anak ko? ano po pwede ko gawin kung sakaling gawin ko po yan tapos pagbantaan ako ng tatay ng mga anak ko? kasi po binabantaan nya ako na di na sya magsusustento or subukan ko daw na manggulo o pag ginalaw o pinakialaman ko ang babae nya. ano po ang laban ko dun atty? ano po ang pwede ko demanda sa tatay ng mga anak ko?
saka po atty. gusto ko po papirmahin ang tatay ng mga anak ko sa kasulatan na kailangan nya magbigay ng sustento 15 at 31 ng buwan, kasi yun po ang sweldo nya, kaya lang po ayaw nya po pumirma basta magbibigay sya ayaw lang nya po ng may kasulatan na legal , ano po pwede ko gawin kasi baka po dahil wala kaming kasulatan kung magkano nlng ang ibigay nya sa mga bta o kaya wala n ibigay sya dahil wala kaming kasulatan.
at atty. pwede ko din ba demand sa tatay ng mga anak ko na i declare na benificiaries sa sss,philhealth at pag ibig nya ang 2 naming anak ng lifetime, at pati ang mga health card ng 2 anak ko sa company nila pwede ko po ba yun demand kahit di kami kasal?kasi ayaw nya po kasi kanya daw po yun. kasi yung babae lang po ang sinusunod nya.
tapos sbi pa ng tatay ng mga anak magreresign sya pag nggulo ako, pano po kung magresign sya at di ko na lam kung san sya magwork ano po laban o habol ko, ano po din pwede ko gwin para di siya makaalis puntang US kasi nkapetition sya dahil kapag nkalabas sya ng pinas bka di na namon sya mahagilap para sa mga anak nya?