Ang sasakyan ay naisangla sa isang casino financier kahit wala akong pahintulot na anuman. Kinasuhan kami ngayon ng SYNDICATED ESTAFA nung lender.
Hindi naibigay sa akin ang lease contract kahit na palagi ko itong hinihingi. Karamihan ng katibayan ko na nakarent-a-car ito ay sa pamamagitan ng mga palitan namin ng text messages.
Nang malaman ko kung nasaan ang sasakyan ko ay kinuha ko ito sa possession ng pinagsanglaan dahil natatakot ako na ma-involve kung saang crime ang sasakyan ko at upang protektahan ang interest ko.
Tanong po:
1. Tama ba na isama ako sa syndicated estafa?
2. Tama ba na kasuhan din ako ng theft?
Maraming salamat po sa advice...