hi,gusto ko lang po malaman kung valid po kasal ko.year 1995 po ako nagpakasal sa kadahilanang malapit ng manganak ang gf ko.Napadaan lang po kami nun sa city hall ng manila at may nag alok ng kasal sa amin,sa isang room po ginawa ang kasal namin,at janitor po dun ang kinuha naming witness.Wala po kaming dalang requirements nun para sa kasal namin at wala din kaming inatenang mga seminar etc.gaya ng ibang nagpapakasal ay dumadaan muna sa tamang proseso.Yung samin po ay biglaan lang,24 yrs.old ako nun at 23 yrs.old naman yung pinakasalan ko.After 2 yrs. nagkalabuan na kaming mag asawa,dahil sa ayaw niyang tumira sa bahay ng magulang ko at ganun din ako ayaw ko ding doon tumira at isa pa mas malapit yung trabaho ko sa amin.Kya ang nangyari dun sya sa kanila at ako namn ay nasa amin,parang nagpataasan kami ng pride nun.After 2 months cguro yun inaayos ko na yung gulo namin pero ayaw na niya yun pala buntis na siya sa ibang lalaki.Di ko po sila kinasuhan nun dahil iniisip ko din kapakanan ng anak k.May 2na siyang anak sa kinakasama niya.
Ako naman po ay mayroon na ring kinakasama(2006),at may 2 n ding anak.Gusto ko na po sanang maayos ang lahat since my kanya kanya na kaming pamilya.May nakapagsabi kasing alamin ko muna kung valid yung kasal ko.
Ano po ba ang dapat kung ifile unnulment o declaration of nullity? pwde po bang yung babae yung mga file?pareho naman po naming gusto mapawalang bisa ang kasal namin.
Sana po ay masagot niyo ang katanungan ko.maraming salamat and god bless.