^hindi naman agad naging property nang trading company ang mga properties na ginawang bond nang tatay mo kasi ang mga property na ito ay security lang naman sa mga utang niya, so sa naiwan niyang 700k na utang, it is either bayaran niyo yun para mabawi ang property or pa-foreclose nang trading company ang mga properties hanggang mabayaran ang utan at kung sapat na ang napagbentahan sa isang property maari niyo nang bawiin ang naiwan na property, sabi mo nga 100k ang cash, so lalabas niyan 600k na lang ang dapat mabayaran sa utang nang tatay mo. At since di pa nattransfer ang ownership nang property, dapat niyo pang bayaran ang taxes nito kasi sa pangalan pa din nang tatay mo, kung di nyo babayaran baka ang government naman ang mag-paforeclose nito. Ganito na lang ang gawin niyo, kausapin niyo ang trading company at pa-account niyo ang buong utang na naiwan nang tatay mo, then pa-appraise niyo ang value nang property at sabihin niyo na ito na lang ang pambabayad niyo kung ayaw niyo bayaran nang cash ang utang, at hangga't hindi pa nattransfer ang owership nang property sa ibang tao, kayo pa din ang may obligation na magbayad nang taxes nito.