atty. meron lang po sana ako gustong malaman. possible po ba na meron mag file ng case against me ng hindi ko nalalaman? and will that reflect po kapag kumuha ako ng nbi clearance? kase ang pagkakaalam ko po, kapag nag file ng case, dapat makatanggap ng subpoena ang kinakasuhan at bibigyan sya ng time para sumagot sa subpoena di po ba?
gusto ko po sana itanong kung possible po ba na meron mag file ng kaso against me ng hindi ko nalalaman or hindi man lang po ako makakatanggap ng subpoena? kase po 1st time ko nagkahit last month sa nbi, tinanong lang naman po ako kung bakit hindi daw po ako nag attend sa hearing, nagulat po ako dahil wala naman akong alam na kaso ko. ininterview po ako kung san ako pinanganak at saan po ako nagstay my whole life. sa malabon po kase ung case na sinasabi nyang na file, eh from pampanga po ako. and ung spelling po ng last name na may kaso, iba sa spelling ng last name ko. velasquez po ung may kaso, velasques naman po ako. tapos pinag sign lang po ako ng affidavit na nag deny ako na ako yun, and ung reasons kung bakit ko po masasabing hindi ako ung taong yun. tapos binigay na po ung clearance ko. pero nagwoworry lang po ako, kase first time nangyare sakin yun.
hope you can enlighten me po sa ganitong sitwasyon. thank you.