umutang sya sa akin ng nedyo malaking halaga na inutang ko lang din sa banko, dahil sa pakikiusap nya noon at kasama ko sya sa trabaho at sa galing manalita. may sakit daw ang nanay nya at kailngan nya ng pera.
ang sabi ko sa kanya papautangin kita pero gagawa tayo ng kasulatan at ibibgay mo saakin ang sasakyan mo. gumawa kami ng kasulatan pero ang sasakyan nya ay di pa din sa banko kaya di nya pwede ipasa sa akin.
nagkabaon baon sya sa utang , hanggang sa nakulong pa sya dito dahil sa mga check na binigay nya sa ibang tao. marami din pala syang utang sa ibang tao na nakakaawa naman talaga dahil mahihirap lang din at nagkamali at nagtiwala sa kanya.
Ilan beses ko na sya kinausap pero wala pa din , pinagtataguan ako lagi, at ang katwiran pa nya nasa akin naman ang sasakyan nya, at ngayon matagal ng hinatak ang sasakyan nya dahil di naman yun bayad.at baka maga kaso pa ako pag ginamit ko yun.
nung umuwi ako dyan sa pinas para magbakasyon, pinuntahan ko sya sa bahay nya pero talagang pinagtataguaan ako at kahit magulang nya di man lang ako pinapasok ng bahay.
ano ba dapat ang gawin ko, kasi talagang hirap na din ako till now nagbabayd ako sa banko dito kasama ang tubo. naawa din ako sa magulang ko dahil kahit minsan sa gamot nila di namin mabili.
sana po mabigyan nio ako ng advice para makuha ko yung pera na pinaghihirapan ko.
maraming salamat po.
marami pa po akong sasabihin sa kanya pero gusto ko lang po muna malamn kung paano umpisahan.