Eto po ang sitwasyon namin. Ang LUPA pong ito ay nakapangalan sa DALAWANG KAPATID ng mama ko. Si Sis Dora at Bro Diego. Ibinenta po ni Sis Dora ang share niya sa lupa pong iyon sa mama ko. Wala pong affidavit o anumang dokumentong legal na nagsasaad na ibinenta ni Sis Dora yung lupa sa mama ko. Ang tanging meron po si mama ay ang kopya ng check nung ibinayad nya. Ibinigay din po sa mama ko ang titulo ng lupa. Ang mama ko po ngayon ay gustong ipalipat ang titulo sa pangalan ko at kay Bro Diego. 2 years na po ang nakakaraan pero hindi pa naipapalipat ang pangalan ng titulo sa mama ko, at gusto po sana naming madaliin ang pagayos ng titulo dahil sa ayon din po sa ilan naming kamag-anak ay gustong ibenta ni Sis Dora ang share niya ulet sa ibang tao.
Ano po ang unang kailangang gawin upang magpalipat ng pangalan ng titulo base po sa sitwasyon namin?
Sino po ba ang dapat mag-ayos ng titulo, yung sister po ba na nagbenta o si mama na bumili o pwede po bang direktang ako ang mag ayos dahil hiling po ni mama na ipangalan sa akin?
Mga ilang buwan po kaya ang aabutin para maipalipat ang titulo sa pangalan ko at Bro Diego?
Maraming salamat po ulet. Sana'y malinawan po ako upang malaman ang dapat gawin. ☺