Pinayagan ng mother ko na magbahay sa lupa niya ang kapatid namin. Matapos ang ilang panahon, nagkaroon sila ng matinding away na pinoproblema na ng buong pamilya namin ngayon. Pero mukhang malabong malutas agad ito sa malapit na hinaharap. Umabot na kasi sa barangay ang usapan at gusto na naming lahat na mapaalis siya upang mapanatag na ang loob ng aming mga magulang. Nung magharap kaming lahat sa barangay, nagkaroon ng kasunduan na babayaran na lang ang nagastos ng kapatid ko sa pagpapatayo ng bahay nya. Babayaran ito ayon sa magiging appraisal ng isang third party na acceptable sa dalawang partido. Mukhang mali ang naging desisyon namin na iyon dahil wala naman kaming mapagkunan ng pera. Ngayon po ay pinapaayos pa nya ang kanyang bahay. Maari ba naming hilingin ang barangay na ipahinto ito? Iniisip kasi namin na lalong tataas ang value ng bahay nya dahil sa mga improvement na magpapabigat naman sa amin upang mabayaran sya.
Maraming salamat po.