Good Evening po. Gusto ko lang po sana magpaconsult sa case ng lolo ko sa inheritance niya. May naiwan po kasing lupain yung great grandfather ko and hindi po naisalin agad sa lolo ko kasi wala pong nagsasabi sa kanya na may iniwang lupa yung great grandfather ko. Bale siya nalang po yung buhay na anak. Ang nangyari po, niloko po siya nung mga pamangkin niya at kinamkam yung lupa. Gusto po sana namin makuha yung para sa lolo ko pero ang problem po ay konting panahon nalang din po itatagal niya. Paano po kami magkakaroon ng karapatan sa lupa kapag nawala na po yung lolo ko knowing na hindi pa naililipat sa pangalan niya yung mga lupain? May isa pa po palang problem.. iba na po kasi yung pangalan nung lolo ko dahil he’s chinese po at napilitan po silang magpalit ng apelyido nung japanese period kaya hindi na din po namin ka surname yung great grandfather ko po. Nasa bulacan po kami at yung mga lupain po ay nasa cebu. May case na rin po na naisampa kaso wala din po kaming lawyer na magrerepresent sa amin kaya hindi po namin alam ang gagawin kapag nawala na po yung lolo ko. May naibenta rin po na portion ng lupa na pinagpapatayuan ng subdivision ngayon na nakapending po. Ano po ang pwede naming gawin?
Free Legal Advice Philippines