Good day po. Hingi po sana ako ng legal advice. Kasi po palage po akong thinethreat ng ex GF ko na kakasuhan daw ako ng VAWC kasi daw ayaw kong magbigay ng support sa naging anak namin during nung kami pa ay nasa isang relasyon. Hindi po kami nakasal. Nagkausap na din po kami sa PAO and ako po that time is under juris or hindi po ako well represented kasi kinampihan po siya ng PAO, na which is for me normal kasi babae siya. We have settled to an amount na 6k per month. every 15th and 30th I should give 3k para makabuo ng 6k kada buwan. nung nag-usap po kami sa PAO nagpresent ako ng Payslip ko na ang neto ko na lang po ay almost 5,600 na lang po due to my existing loans na alam naman po nung ex ko na meron. Tapos she is demanding na magbayad daw ako ng LAHAT NG GINASTOS niya during her pregnancy kasi daw no show ako nun well in fact nagkausap po kami ilang beses nun nung nagbubuntis siya at nilihim niya sa akin na manganganak na siya. sinabi na lang nila sa akin na nanganak na siya. eto po queries ko.
1. Hindi po ako declared sa birth certificate ng bata at hindi po sa akin nakaapelyido yung bata, may habol po ba siya sa mga dinedemand niya po sa akin?
2. May mga saved texts at messages po ako from her na kung anu ano ang sinasabi sa akin, may bearing po ba iyon kung sakaling magsampa ako ng counter affidavit sa kanya?
3. Willing naman po akong magbigay ng support pero pwede po bang voluntary lang?
maraming maraming salamat po in advance sa postive response niyo po. God bless