Matagal napo ako sa pinagtatrabahoan ko na tahian. Skilled worker po ako. Mananahi po ng mga damit. Mahigit walong taon na po ako sa kompaya at ang pasahod po samen ay piecerate basis. Ngayon po nag iba ng management at kame po lahat ng mga pieceraters ay ni rerequired na nila na kelangan 8hrs na ang pasok pero ang bayad padin sa sahod namen ay per piraso. Binibigyan narin nila kame ng suspension pag na late. Tama po ba ito o makatwiran kahit na kame ay binabayaran base sa trabahong natapos namen at hindi sa oras ng pinasok. Sana po mabigyan nyo ako ng advise maraming salamat po