Nagkabanggan kame ng kotse(PNP) plate pero civilian at gamit ko naman ay motor, naka helmet at kumpleto sa lahat. Ako yung nasa main road, straight road at yung kotse naman ay papalabas ng kanto kung saan papasok sa main road.
Yung kotse, walang signal light at biglang nag left turn. Resulting, parang nag counterflow dun sa main road. So nung ma realize ko na mababangga na ako, iniwas ko yung motor pakaliwa na ang takbo ko nun ay 30
Kaso, yung kotse, umuusad ng paunti-unti which nagkagasgas yung motor ko at yung harapan niya na parang guhit lang at naiipit naman yung kanang paa ko na nagmanhind ng 1 araw. Ngayon, sinisingil niya ako nung una na 5-6k kaso hindi ako pumayag dahil una, hindi ako yung bumangga at ako yung nasa tama.
Then nag file siya ng kaso, na receive ko yung subpoena at nag appear ako. Nag counterfile ako after few months na receive ko yung results at lumalabas na ako pa yung may kasalanan at yung damage ko daw ay 50K!.
Anu ba gagawin ko dito mga bossing. Salamat sa mag addvice