Magandang umaga po, gusto ko po sanang humingi ng legal advice tungkol po sa aking kapitbahay. Nakatira po kasi kami sa isang subd na lowcost housing,row house type po siya. Ung katabi po naming kapitbahay ay madalas magpukpok ng napakalakas sa pader namin. Nagkaron po ng paghaharap sa HOA po ng aming subd. at itinatanggi niya na nagpupukpok siya. Nakipag-ayos po kami at sana di na maulit pa. Ngunit eto lamang pong mga nakaraang araw patuloy padin po siya sa pagpukpok niya. Lalo na po sa hating gabi kung kelan nagpapahinga na po kaming mag-asawa. Dala na rin ng pagod at inis, lumabas ang asawa ko at tumapat sa harap ng bahay niya namura niya ito at pinalalabas para tanungin kung anu bang problema niya at pukpok po siya ng pukpok. Pero hindi po siya lumabas, kaya pumasok nadin ang asawa ko. Tapos ngaun po siya pa ang nagreklamo sa brgy na ginugulo daw po namin siya. Nagpatawag po siya ng brgy para kami po ang sitahin dahil ginugulo daw po namin siya, pero habang namamagitan po ang brgy eh kung anu anung masasakit na pananalita ang pinagsasabi niya tungkol sakin. "Disgrasyada,Laspag,Pinagtyatyagaan nalang ng asawa" yan po ang mga eksaktong salita na binitiwan niya. Ng magharap po ulit sa brgy ay ayaw niyang makipagkasundo at tinatakot kami na idedemanda daw po niya kami. May cctv daw po siya nung araw na tumapat ang asawa ko sa bahay niya at minura siya. Labis na po ang aming pag-aalala sa bagay na eto. Kami po ung ginugulo pero kami pa po ang naireklamo. Anu po bang dapat na hakbang ukol sa issue pong eto. At may kaso po ba talaga siya na pedeng ikaso samin dahil sa pagmumura at pagsigaw ng asawa ko? Maraming salamat po.
Free Legal Advice Philippines