Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Tresspassing

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Tresspassing Empty Tresspassing Fri Jul 27, 2018 9:24 am

Iamwho


Arresto Menor

Dito ko nalang nilagay wla naman kasing thread for this or kung meron man related pasensya dto na post.

Patulong naman po sana about my case. Pasensya na kung mahaba.

Ganito kasi yon. I rented a shop for my ukay business. But unfortunately needed ko na umalis dahil sa mga anak ko na need ako. Wednesday nagpaalam ako sa may ari. Nag ok sya. Friday sabi nya may gusto mag assume ng stocks ko. Nag ok ako at dun nag simula lahat. Di pa ako sure if kukunin ba talaga nila so nag pack na ako nung saturday (ukay business ko po). Gusto makita nung gjsto mag assume ng mga damit kaya pinuntahan ako. Nagustuhan naman nya kay pina hold nya muna pagkuha ko ng stocks. So nakiusap ako sa may ari kung pwede dun muna mga damit. Nag ok naman. Yong mag a assume alam na nya damit at hangerd lang ang pwede kasi the rest e gagamitin ko din sa bahay. By sunday kinuha ko na yong hindi kasali sa napag usapan pero d pa rin sure yong a assume kasi hihingi pa sya ng money sa pamangkin nya at pina hold na naman until monday. Nung monday atat na atat sya bayaran tapos magda downpayment na din sya dun. Pinuntahan ko sya at nakita nyang maayos nakalatag yong binilang ko. and yong my stains at punit e d kasali. Pati mens shirts at pantalon mix jogging pants e binigay ko sa kanya ng libre. 18k napag usapan that includes hangers and 800pcs ukay. So close deal na. Dumaan ang tuesday no complaint at all. Confident ako kasi nga nakita naman nya mismo anong mga damit yon. Pinuri nya pa. By wednesday morning tinawagan ako at pinagalitan kasi basura daw at ibalik ko daw 10k na down nila (may 8k pa akong balance sa kanila kasi saka na daw nila babayaran sakin) pumayag ako kasi sabi nila titingnan ng pamangkin nya. Bale tatawaran pa nila sakin yon. Sabi ko return ko money tapos kukunin ko items pero d pa sa wednesday kasi busy ako. Panay tawag nila kunin ko na daw kasi nga d cla makalagay ng i titinda nila. Thursday came sinabi ko today kunin ko. Kasama ko 4 yrs old anak ko. Nagpaalam na ako sa may ari nung shop sabi nya hingi ako ng double key sa caretaker nya para buksan yong shop at makuha ko yong gamit ko. Nag text pa ako sa papalit sakin dun na andon na ako at puntahan na ako para makuha pera. Yes nakapasok ako kasi nga sabi nila kunin ko na daw at hakutin. Never pumasok sa mind ko na tresspassing ako kasi nga pinakyha naman sakin items at aware ako na wala silang gamit dun kasi sabi nga d sila maglalagay ng gamit dun oag andun pa yong gamit ko. Nasa loob na ako. Binibilang ko yong hangers ko at dumating sila. Bigla akong sinabihan tresspassing ka ha. Sabi ko ay sorry po mam akala ko po kasi pinapakuha nyo na sakin para makalagay na kayo ng gamit nyo. Dun na ako sinisigawan at pinahiya ng todo. Tinawag na magnanakaw, manloloko at kung ano ano pa. Natakot anak ko sa kanila kasi pinagtuturo na ako. Isa lang ka transaction ko pero lima sila na nag away sakin sa harap pa ng isang bata. Mahinahon ako dahil ayoko mag talk ng d maganda since nandun ang anak ko. Halos mahigit sampo na ako nag sorry. Binaliktan pa lahat ng pinagsasabi nila sakin. Sobrang sakin sa part ko kasi nakiusap ako ng mahinahon na sana d na nila ako ipahiya kasi ibabalik ko naman ang pera nila. Tumawag ng pulis yong isa kasi papakulong nila ako for tresspassing, theft and panloloko. Sobrang takot ko pati anak ko sabi sakin mommy pag meron pulis ako rin ba ikukulong. Naawa ako sa anak ko kaya napaiyak ako at panay pakiusap sa naging transaction ko na kung pwede e settle namin ng mahinahon at dapat kami lang mag usap pero ayaw nya. Lahat ng tao dun nakita paano nila ako ginanon. Sobrang pahiya ako sobra. Kung ano2 pa pinagsasabi pati mga dati kong kasamahan sa tindahan nakisali na rin sa kanila at isa sa nagoahiya sakin.

Tanung ko lang po kasi kakasuhan nila ako ng tresspassing. Pwede po ba ako makasuhan nun? Natatakot ako masangkot sa ganitong gulo lalo na yong 4 yrs old ko e naka rehab ang kamay dahil na dislocate ang shoulder and arm bones. 7 yrs old ko is deaf at ako lang hatid sundo sa kanya. E po pursue nila ang kaso at sisiguraduhin nalang mskukulong ako. Pls help me po. Gusto kong lumaban pero d ko alam anong counter ko sa ginawa nila. Thursday night walang tulog ang anak ko. Nakakaidlip pero umiiyak at tinitingnan ako kasi baka daw iniwan na ako at kinuha ng pulis. This morning tulala anak ko sa labas. Babantayan nya ang pulis para d daw ako hulihin. Naiiyak din pag sinasabi ko ok lang ako. Pls po sana may sumagot.

2Tresspassing Empty Re: Tresspassing Fri Jul 27, 2018 3:36 pm

BCL13


Arresto Mayor

Mayroon po ba kayong conrete evidence na pinayagan kayo makapasok doon sa shop? May lease po ba un? Natransfer na po ba o name nyo pa rin nakalagay? I think you can also sue them for child abuse or VAWC based on what they did to your child. Dapat nung araw na un ngpunta na lng kayo sa barangay kasi kahit tumawag sila ng pulis eh ituturn over din kayo sa barangay.

PS: I'm not a lawyer

3Tresspassing Empty Re: Tresspassing Fri Jul 27, 2018 10:16 pm

Iamwho


Arresto Menor

Yes meron pero d matatawag concrete evidence since ayaw nila ako ka text. Lalo na nung babae na nagpunta sakin at nag insist na bibilhin nya stocks ko. Sabi ko tect lang kami kasi umiiwas ako sa ganitong pangyayari pero alibi nya is kapagod mag text or d sya marunong mag text. Pero the day nung sinabihan nila ako nang kong ano ano sa phone e nag text din sila that afternoon na kunin ko yong items. Ganito pagka text "kunin mo dun stocks mo para malagay na namin samin". Ganyan lang pero over the phone sabi ko sa kanila dun ako hihingi sa may ari nung inuupahan ko ng susi. Nag oo naman sila. I think modus yong nagyari sakin kasi bakit pinapasok nila ako dun at bigla nalang sila nagsidatingan at ginanon ako. Sabi pa e may damages akong bayaran sa kanila. Nag request sila na bayaran ko sila ng class a na bulto ng ukay kasi damages na yong ginawa. I said to them na sorry ng ilang beses. Bawat mura bawat pamamaratang at pantuturo nila tinanggap ko sabay sorry. Kasi nga parang prino provoke pa ako lumaban kasi sabi pa nung isa o sige labanan mo kasi. Sagot pa ko non ayoko ng gulo. Ngayon ng stock checking ako. Sad wla na yong mga pang online items. Dami ng nawala. Sakin lang po e tresspassing ba ako nun? Kung misno alam nila sinabi ko na manghihingi ako susi sa may ari? Saka pumayag naman may ari. Kasama ko pa dun yong caretaker.

Masakit lang sakin kasi tinatakot pa ako na kaya nila ako pakulong kasi may magaling silang attorney. Kakasuhan talaga nila ako sa ginawa ko. Hindi ako nag aalala for myself. Nag aalala ako for my kids kasi ako lang nag aalaga sa kanila. Pagnakulong ako sino papakain sa kanila. Wala akong family dto. May kapatid akong naiwan na mas bata pa sakin pero d ko sya pwede isali sa gulo ko lalo na't depress din sya at ako tumutulong sa kanya mag alaga ng mga anak nya.

Makukulong po ba ako? Iniisip ko to buong araw. Hinihintay ko yong magkukukong sakin Sad . Panay pa tawag nung babae nakausap ko na ayaw ko daw magbayad nung sinasabi nilang damages ko sa kanila kaya kukulong nalang daw nila ako para naman fair sa side nila.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum