Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.
jenabalos wrote:may nabasa po akong article...pakicheck nmn po if this is true..kasi parang ang sabi sa post pede mag file ng case maski pa nasa ibang bansa ang nagpost
Article 14. Penal laws and those of public security and safety shall be obligatory upon all who live or sojourn in the Philippine territory, subject to the principles of public international law and to treaty stipulations. (8a)
Paano kung ang krimen ay ginawa sa "internet"?
Noong July 25, 2011 ay pinasa ng Kongreso ang “Cybercrime Prevention Act of 2012″ kung saan ang "Libel" ay isinama bilang isang uri ng "Cybercrime" kung ang libelous comment or post ay ginawa sa Internet. Ang penalty ay imprisonment for a minimum period of four years and one day to a maximum of eight years, per offense. Ito ang tinatawag na online libel na katulad ng libel sa Article 353 na ginawa sa pamamagitan ng isang computer.
Ayon sa Revised Penal Code, Article 353 ang Libel ay isang isinapubliko at malisyosong pagbibintang ng isang krimen, bisyo o depekto o isang aksiyon o hindi pag-aksiyon ng isang tao, kundisyon, status o circumstances kung saan ito ay nadishonor, pagkapahiya at paghamak ng isang tao o korporasyon. Ang libel ay pwedeng macommitt by means of writing, printing, lithography, engraving, radio, phonograph, painting, theatrical exhibition, cinematographic exhibition, or any similar means, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods or a fine ranging from 200 to 6,000 pesos, or both, in addition to the civil action which may be brought by the offended party.
Saang korte mo dapat isasampa o ang venue ng "cyberlibel"?
Ayon sa isa sa mga naunang kaso ng "internet libel" na nakaabot sa Supreme Court [Bonifacio vs. RTC of Makati, G.R. No. 184800, 5 May 2010], ang venue o ang korte na dapat pagsampahan ng cyberlibel ay pwedeng mamili sa (1) actual residence ng offended party sa oras ng paggawa ng krimen; or (2) kung saan unang pinalabas at napublish ang libelous article.
"It becomes clear that the venue of libel cases where the complainant is a private individual is limited to only either of two places, namely: 1) where the complainant actually resides at the time of the commission of the offense; or 2) where the alleged defamatory article was printed and first published.
Kung ang offended party ay isang residente ng Pilipinas at dito niya nakita ang napublished na cyberlibel sa Facebook, pwede niya isampa ang kasong kriminal sa Pilipinas kahit ang gumawa nito ay nasa ibang bansa.
gamavillaruel200712@gmail wrote:magandang araw po tatanung Ko lng po kung anung dpat gawin ng aking asawa...ang problema Po ay nagsimula ng magtayo ng business ang asawa ko at pinsan nyang babae....ngayon po syempre share po cla ng asawa ko...tpos naluge po ung negosyo at ibinenta nla ang mga gamit para mabyaran ung renta ng pwesto pero walang natira sa pinagbentahan...ngayon po binabawi ng pinsan nya ung pera na naeshare nya ngunit wlang maibigay ang asawa ko dhl wla naman ponp natira sa pinagbetahan binayad sa renta at mga inutang na gamit...
lumipas ang ilang bwan nagpost ung asawa ng pinsan ng asawa ko sa facebook at nakatag po sa maraming tao...at nasundan pa po ulet nitong august 6, 2018 maliban pa po dun ay may mensahe pa ng pagbabanta sa buhay ng asawa ko...anu po ang pweding gawin ng asawa ko...
Similar topics
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum