Need ko po ng legal advice about sa contract na pinasok ko po almost 5yrs ago. Malapit na po ito matapos this yr kaso i've heard this news sa iba kong kasama with the same contract na sinabihan silang i-auto renew sila ng company. When i visit my copy of contract, w/c is really not my copy since ayaw nila kami bigyan ng kopya noon, may nakasulat nga po doon na may kakayanan silang irenew ang contract kung gugustuhin nila.
I know it was so foolish of me to enter this contract kaso very immature pa ko noon ng pasukin ko ito at nadala sa flowery words ng company. I'm a freelance writer, btw.
With the whole almost 5 yrs, wala akong na-gain from them - literally. If pag-uusapan natin ay income. Kung sakali, baligtad pa. Nakakaltas sila sa outside projects ko.
So, yeah, very unfortunate. Nagreklamo naman kami and they promised a lot of things na aayusin nila pero walang nangyari. So, now na malapit na mag-end ang contract at gusto ko na makalaya sa kanila totally, ano po kaya ang dapat kong maging hakbang. Lalo na kapag sinabi nilang hindi pwede dahil irerenew nila ang contract ko.
Salamat po sa maaaring makatulong.