good day! ask ko lang po, ano po pwedeng ikaso sa inutangan ko na pati sa social media po comment ng comment about sa utang ko?
Ang nangyari po kasi nung July 2017 nangutang ako sakanya using atm card kasi employed pa ako that time, pangalang beses na yun. So yung pangalawang beses na utang ko sakanya, di ko na nabayadan dahil wala na po ako work dahil po yung company na pinapasukan ko eh nagbawas at kasama po ako sa natanggal. After po nun nung maningil sya sinabi ko po sakanya reason bakit di ako makabayad. Nung September 2017 naman po nanganak po ako , at wala trabaho kaya wala pa din po pangbayad.
Parehas po kami unemployed ng partner ko simula manganak ako hanggang january 2018. Yung father and mother ng asawa ko po sagot sa lahat ng pangangailangan namin habang wala po kami trabaho. Nung January 15 , ngayong taon, nagstart po ng internet shop yung daddy ng common law partner ko at kami po ginawang bantay sa shop. At nagsisimula palang po kami kaya wala pa din pangbayad sakanya. Saka maliit lang din po natatanggap namin. Pero from time to time po nagrereply po ako sakanya then blinock nya po ako sa fb, after ilan months, nagparamdam po ulit sya at pinagbibintangan po na ako daw po nagblock sakanya. Di ko na po inaccept friend request nya kasi po puro comment na po sya sa mga post or picture ko , pati kamag anak ko about utang ko sakanya pero patuloy pa din naman po pagsagot ko saknya minsan.
Until now po di pa din po kasi kami nakakaahon, eh nagcomment na naman po sya sa post ng mother ng partner ko about utang ko at pwede daw po nya ako kasuhan.
May pwede po bang gawin legally about sa ginagawa nya? Gusto nya po kasi pag nagmessage sya reply po agad ako sakanya. Highschool friend ko po sya at sa pagkakaalam ko po may gusto sya sakin kahit nung pinautang nya po ako.