Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Pananakit ng walang kadahilanan

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Pananakit ng walang kadahilanan Empty Pananakit ng walang kadahilanan Mon Jul 02, 2018 10:23 pm

Rizza83


Arresto Menor

Magandang araw po sa inyo. Hihingi po ako ng legal advice sa sitwasyon ng aking kapatid na babae na malapit sa Calbayog City, sa bundok naninirahan at pagsasaka ang ikinabubuhay. Ganito po ang pangyayari, papunta po ang kapatid ko at asawa niya sa bukid para mag ani ng mais. Bago sila tumuloy sa bukid dumaan muna sila sa bahay para tignan ang mga gamit nila. Ito pong kapatid kong babae at yung asawa niya nakatira po sa brgy.at yung bahay na dinaanan nila yung isa pang bahay kung saan sila tumitira pag nag bubukid sila araw-araw doon po sila tumutuloy para mag pahinga kasi po medyo malayo pa ang bahay nila kung babalik sila sa barangay. At may mga kapit-bahay din sila diyan sa bahay na kanilang pahingahan. Tapos po nitong June 30 2018 umaga ng mag plano ang kapatid ko at asawa niya na kumuha ng mais sa kanilang bukid. Pag dating nila sa bahay na kanilang pahingahan na datnan nilang galit na yung babaeng kapit-bahay nila. Pag hakbang daw ng kapatid kong babae papunta sa bahay nakatalikod na siya doon sa babaeng galit bigla daw siya sinabutan ng galit na babae, kaya nagtamo ang aking kapatid ng mga galos at sugat pati suot na damit ay nagkasira sira. Kasi daw po pinag bintangan yung kapatid ko na nilason daw yung mga manok nung babaeng galit sa kapatid ko. Pero bago po yung pangyayaring yun, kwento sa akin ng kapatid ko na yung aso daw nila pinatay at pati mga dvd at tv pinag puputol daw po ang mga kable. Ano po kaya ang pwedeng hakbang ng kapatid ko sa pananabunot at pananakit sa kanya at pag bibintang na siya ang pumatay sa mga manok ng kapit-bahay nila? Ang dami daw po sugat na tinamo ang kapatid ko doon sa pananabunot at pagkaladkad ng babae. Pero po wala silang away na nangyari basta bigla nalang ang kapatid ko sinabunutan nung kapit-bahay nilang babae. Lumapit na po sila sa police pero sabi daw ng police bumalik sila sa barangay para doon aregluhin. Ano pong kaso pwede namin isampa? Wala pong witness na maaasahan maliban sa asawa ng kapatid ko. Bagong pangangak ang aking kapatid at mag dadalawang buwan pa lang mula nung nanganak siya. Yung asawa ng kapatid ko, gusto sana saklolohan yung asawa niya, kaya lang may kasama yung babaeng galit at nagdala sila ng itak. Nagpa medical din nung araw na iyon ang kapatid ko.

2Pananakit ng walang kadahilanan Empty Re: Pananakit ng walang kadahilanan Tue Jul 03, 2018 11:17 am

maxwell_24


Arresto Mayor

ipa blotter nyo po muna po at ireklamo sa brgy. kung di po magkakayos sa brgy saka na po kayo mag file ng kaso punta po kayo sa PAO office sa lugar po ninyo.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum