Manghihingi po sana ako ng advice kasi yung property owner po ay ang papa ko. Sa kanya po nakapangalan dati ang titulo, ngayon nailipat po ito sa lola ko sa name niya ng hindi namin nalalaman. May asawa at nag iisang anak po ang papa ko, at kami po dapat ang inheritor ng property na naiwan ni papa.
2003 po namatay ang papa ko. Nalaman po namin na nalipat ito ng lola ko sa name niya sa deed of donor na ginawa noong 2008. Kaso po 2003 palang wala na po ang papa ko, at 2008 nila ginawa iyon. Peke po ang pirma ng lola at papa ko na nakasulat doon. May kutob po ako na iyong isang kapatid ni papa ng pumirma. Kaso parehas na pong patay ang lola at tita ko na pumeke ng pirma sa documents.
Ano po kaya ang maganda gawin? May chance pa po kaya kami mabawi yung property? Maraming salamat po