1. Pinapirma po ako ng buyer sa isang document. Nagkamali po ako at di ko naintindihan ang aking pinirmahan. Pumirma po ako sa affidavit of lost title. Nagkamali po ako dahil alam ko naman pong ito ay nakasanla at di ito nawawala.
2. Ang halaga po ng pagkakasanla ay P10,000. Nung tinutubos po ng buyer ang principal kasama na po ang interes at karagdagang P100,000 ay ayaw pong ipatubos. Ang gusto po nila ay 5 Million ang ibayad sa kanila. Hindi po pumayag ang buyer na magbayad ng 5 milyon, bagkus magsasampa po ng kaso sa korte para ma settle ang problema.
3. Ang problema ko po ay sabi nung pinagsanlaan ko ay kapag daw sila ay kinasuhan ay kakasuhan daw niya ako ng perjury dahil nga po sa pagkakapirma ko sa affidavit of lost title. Ano po kaya ang magandang gawin para di ako makasuhan ng perjury. Kasi po balak na pong i file sa korte sa Monday (June 25) nung buyer yung problema nya tungkol sa pagtubos ng lupa.
Salamat po!